Huwebes, Marso 22, 2012

Para kay Rafa

First time na nag-usap tayo ng ganun katagal kahapon. As usual, pokerface na naman ako. Hindi ko pinapahalata na affected ako sa presence mo. Ano ba ang naging topic natin? Resignation. Bat kaya iyon pa ang naging topic natin? Pero kung iisipin ko, nakakatuwa din kasi parang may sikreto tuloy tayo. Hindi naman kasi natin puedeng sabihin/pag-usapan ang topic na iyon. Im just happy na sa akin mo unang nasabi ang intention mong pag-alis dito. Parang sinasabi mo na may tiwala ka sa akin. And I just hope na kahit na maghiwalay man ang landas na patutunguhan natin ay may komunikasyon pa rin tayo sa isa't-isa. Na sa tingin ko ay malabong mangyari kasi, in the first place, hindi naman tayo close sa isat-isa. Hindi nga tayo matatawag na friends. We're just colleague - officemates. Kung magtex man tayo ay related sa work. No personal attachment.

Ewan ko ba kung ano ang nagustuhan ko sa iyo. Iyong kay Nuriko, puede pa. Pero sa yo? You're just an ordinary guy. Hindi pogi, tanned, simple lng kung manamit etc. In short, plain looking. But you have something that made me get over with Nuriko.. You made me somewhat not to think of him everyday. You made me come to my senses. You brought my sanity back. And I thank you for that.

Im not sure, kung ano itong nararamdaman ko sayo. But Im very sure na hindi ito crush, hindi passing fancy, hindi obsession, hindi ka rebound. Basta nagising na lang akong isang araw na naiisip na kita. Na hindi na ako naiinis pag itinutukso ka nila sa akin. Na napapangiti ako kapag naalala kita. Na gusto kitang mas makilala. Na pnpray ko na magkasabay tayo sa pag-uwi (pnpray tlaga ha? hehe). Na pag nakikita kong may bilog na kulay berde sa pangalan  mo sa FB ay nattempt akong i-message ka/nag-iisip kung sino kaya ang kachat mo. Na nagseselos ako pag nakikipagtawanan ka sa iba pero hindi sa akin. Na naiisip ko kung makakasundo mo kaya ang family ko.Na malimit na kitang tignan nang palihim. Na nasasanay na akong tignan ka habang papalayo. Na sabay mo akong napapasaya at napapalungkot.

Hindi ko alam kung dapat ko bang iparamdam sa iyo na special ka sa akin. Hindi rin kasi kita mabasa. Hindi ko alam kung magaling kang magtago ng nararamdaman - katulad ko. Kung ganun nga yon, ano na lang kaya ang mangyayari sa ating dalawa?

Sabi ni M, may feelings ka daw sa akin. Sabi ni O, naunahan ka lang ng kantiyaw. Hanggang sa sabi-sabi na lang ba ako?



Huwebes, Marso 15, 2012

Yankumi

yanku.

ewan ko ba kung bakit ito ang naisipan kong ipangalan sa blog ko.
siguro dahil na rin sa iniwang tatak sa akin nung taong nagsabi sa akin nito.

"kamukha mo si yankumi".

Simpleng kataga lang to pero malaki ang naging epekto nito sa akin.
Ibig sabihin napapansin niya ko (si yankumi pala ay yong bida sa Gokusen-
isang Japanese series). Tinanong ko siya kung paano ko siya naging kamukha.
e sa long hair lang naman kmi nagkapareho.
Sabi niya "Basta, tatawagin kitang Yanku ngayon".

Wala na akong pakialaman kung bakit nga ba. Bastat
sa panahong yon, feeling ko ay nasa cloud nine ako.

Pero hindi rin nagtagal ang pet name kong yon. Two days lang yata. Dahil sa kagagawan ko rin.
Hindi ko siya pinapansin pag tinawag niya ako; kumbaga poker-face lang.

Siya pala si Nuriko. Ang taong nagpakilala sa akin kay love at hearbreak.