yanku.
ewan ko ba kung bakit ito ang naisipan kong ipangalan sa blog ko.
siguro dahil na rin sa iniwang tatak sa akin nung taong nagsabi sa akin nito.
"kamukha mo si yankumi".
Simpleng kataga lang to pero malaki ang naging epekto nito sa akin.
Ibig sabihin napapansin niya ko (si yankumi pala ay yong bida sa Gokusen-
isang Japanese series). Tinanong ko siya kung paano ko siya naging kamukha.
e sa long hair lang naman kmi nagkapareho.
Sabi niya "Basta, tatawagin kitang Yanku ngayon".
Wala na akong pakialaman kung bakit nga ba. Bastat
sa panahong yon, feeling ko ay nasa cloud nine ako.
Pero hindi rin nagtagal ang pet name kong yon. Two days lang yata. Dahil sa kagagawan ko rin.
Hindi ko siya pinapansin pag tinawag niya ako; kumbaga poker-face lang.
Siya pala si Nuriko. Ang taong nagpakilala sa akin kay love at hearbreak.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento